dzme1530.ph

DENNIS TRILLO, RUMESBAK SA KOMENTO NI GELLI DE BELEN SA ISYU NINA JENNYLYN MERCADO AT PATRICK GARCIA

Loading

Hindi napigilan ni Dennis Trillo na sagutin ang komento nito sa nabuhay na isyu sa pagitan nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia.

Una nang sinabi ni Gelli na huwag sanang kalimutan na may mga batang pinag-uusapan dahil yun naman ang pinaka-importante, at nakapag-move on na naman ang mga nakatatanda sa mga buhay nila.

Sa deleted na ngayong comment ni Dennis na naka-tag kay Gelli, sinabi niya na nananahimik sila, at ang kanyang ginawa ay natural na reaksyon ng matinong tao.

Aminado ang Kapuso actor na kawawa talaga ang mga bata, may anak din sila, at ang dapat sisihin aniya ni Gelli ay kung sino ang nagsimula ng gulo.

About The Author