dzme1530.ph

PANGULONG BONGBONG MARCOS, PINAPURIHAN ANG MGA GURO NGAYONG NATIONAL TEACHERS’ DAY

Loading

Kasabay ng pagdiriwang ng National Teachers’ Day, pinapurihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga guro sa bansa kasabay ng paghimok sa kanila na patuloy na hubugin ang mga Pinoy na maging mapanuri, maprinsipyong pag-aksyon at magkaroon ng konsiderasyon para sa lahat.
 
Sinabi ng Pangulo na matatagpuan sa bawat silid-aralan ang kinabukasan ng bansa.
 
Sa loob aniya ng classroom natututo ang mga bata, nadidiskubre ang kanilang kakayahan at nangangarap para sa kinabukasan.
 
Tinawag pa ng Pangulo na marangal ang misyon ng mga guro upang ilabas ang potensyal ng mga mag-aaral at gabayan sila sa tamang direksyon.
 
Kinilala rin ng lider ng bansa ang sakripisyo ng mga guro kasabay ng paghikayat sa mga ito na ipagpatuloy ang pakikipagtulungan para mapalawak ang kaalaman ng kabataan.
 

About The Author