dzme1530.ph

PILIPINAS, NAKAPAGTALA NG BIGGEST ASIAN GAMES MEDAL HAUL SIMULA 1966

Loading

Nakapa-uwi ang Pilipinas ng apat na gold, siyam na silver, at labing-anim na bronze medals sa 2026 Asian Games sa Aichi-Nagoya.
 
Ito ang pinakamalaking nakolektang medalya ng Pilipinas sa nakalipas na anim na dekada.
 
1966 nang humakot ang Philippine delegation ng 42 medals sa Asian Games sa Bangkok, na kinabibilangan ng dalawang ginto, 15 silvers, at 25 bronze medals.
 
Ngayong taon ay pinangunahan ng gymnast na si Carlos Yulo ang Philippine team, sa pamamagitan ng ambag niya na dalawang gintong medalya sa floor exercise at vault.
 
Nadepensahan din ni EJ Obiena ang kanyang gold medal sa pole vault habang nasungkit ni Jeus Yale ang gintong medalya sa inaugural virtual taekwondo competition.

About The Author