dzme1530.ph

IMPEACHMENT TRIAL LABAN KAY VP SARA, TINAYA NI SP GATCHALIAN NA MATATAPOS SA NOBYEMBRE

Loading

Naniniwala si Senate President Sherwin Gatchalian na posibleng matapos sa loob ng 30 hanggang 45 araw ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa takbo ngayon ng paglilitis, sinabi ni Gatchalian na posibleng sa kalagitnaan o katapusan ng Nobyembre ay makapagbaba na sila ng hatol sa impeachment case ng Bise Presidente.

Nilinaw naman niya na ito ay pansarili lamang niyang tantiya at maituturing itong moving target depende sa mga mangyayari.

Ipinaliwanag pa niya na hindi maaaring isabay ang impeachment trial sa isasagawa nilang plenary deliberations sa proposed 2027 budget na kadalasang mula umaga hanggang hatinggabi.

Una rito, sinabi ni Impeachment Court Spokesman Atty. Reginald Tongol na posibleng bago ang Christmas break ay may verdict na ang Impeachment Court kay VP Sara.

About The Author