![]()
KINANSELA ng Impeachment Court ang sesyon ngayong araw na ito bilang bahagi ng strategic procedural pause upang paghandaan ang mga susunod na marathon sessions, simula bukas, October 1.
Nilinaw ni Impeachment Court Spokesman Atty Reginald Tongol na kahit kanselado ang hearing ngayong araw na ito ay hindi pa rin naiiwan sa schedule ang korte.
Katunayan ay aggressively ahead of schedule ang korte matapos makapagharap na ang Prosecution ng anim na testigo sa loob lamang ng walong araw simula noong September 14 o sa pagtalakay sa Article 2 ng Impeachment Case na may kinalaman sa unexplained wealth ni Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Tongol na ang isang araw na pause ay magbibigay ng panahon sa magkabilang panig na paghandaan ang sunud-sunod at buomg araw na pagdinig mula October 1 hanggang 15.
Isasagawa anya ang marathon sessions mula 10am hanggang 6:30 pm
Kabilang din sa paghahandaan ang pag-aaral sa mga technical at voluminous financial records na inaasahang ihaharap ng Anti Money Laundering Council at ng registers of deeds simula bukas.
Sinabi ni Tongol na layun ng pause na mapanatiling mabilis, maayos at walang hindi kailangang pagkaantala ang paglilitis. | via Dang Samson-Garcia, ME Radio TV
Para sa iba pang mga balita, bisitahin ang https://dzme1530.ph/
#MERadioTV #DZMERadyoTV #1530khz
