![]()
Dalawang Pilipino ang nasawi nang bumaliktad ang sinasakyan nilang bus habang patungo sa Oktoberfest beer festival sa Southern Germany.
Nagresulta rin ang naturang aksidente sa pagkakasugat ng walong iba.
Ayon sa tagapagsalita ng Upper Bavaria Police Prefecture, lulan ng bus na inarkila ng isang travel company ang grupo ng nasa limampung Filipino tourists para sa Oktoberfest sa Munich nang mangyari ang aksidente.
Sa ulat ng German newspaper na BILD, isa ang dead on the spot habang isa ang binawian ng buhay kinalaunan dahil sa tindi ng injuries.
Sa Facebook post, labis na ikinalungkot ng Philippine Consulate General sa Frankfurt ang nangyaring aksidente, habang mahigpit na nakikipag-ugnayan sa German police at relevant authorities.
