dzme1530.ph

PCG, INISYUHAN NG RADIO CHALLENGE ANG BARKO NG CHINA MALAPIT SA CABRA ISLAND SA LUBANG, OCCIDENTAL MINDORO

Loading

Niradyuhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang China Coast Guard (CCG) vessel na na-monitor 36 nautical miles northwest ng Cabra Island sa Lubang, Occidental Mindoro.

Nagpadala rin ang PCG ng patrol ship upang beripikahin ang presensya ng barko ng Tsina.

Sinabihan ng PCG ang Chinese vessel na walang legal na awtoridad para mag-operate sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) at inatasang umalis agad.

Tinukoy ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela ang barko bilang CCG 3303 na isa sa mga dineploy ng China sa Bajo de Masinloc.

Inihayag ni Tarriela na ito ang kaparehong barko na nag-water cannon sa BRP Datu Cabaylo noong Hulyo.

About The Author