dzme1530.ph

27 KATAO, PATAY SA DALAWANG MASS SHOOTINGS SA SOUTH AFRICA

Loading

Dalawampu’t pito katao ang nasawi sa dalawang mass shootings na ilang oras lamang ang pagitan sa South Africa, sa pinakabagong gun violence na naitala sa bansa.
 
Labimpito ang patay nang salakayin ng walong armadong kalalakihan ang isang bar na malapit sa Johannesburg, kung saan labinlimang iba pa ang nasugatan.
 
Sampu naman ang nasawi sa labas ng isang entertainment venue sa isang township malapit sa Cape Town, na ikinasugat ng labing isang iba pa.
 
Isa ang South Africa sa may pinakamataas na murder rates sa buong mundo at nahihirapang kontrolin ang gang-related violence sa mga nakalipas na taon.
 
Wala pang ibinibigay na eksaktong motibo ang mga awtoridad sa mga pinakahuling pag-atake.

About The Author