dzme1530.ph

PAGLALABAS NG TRO LABAN SA BAGONG BATAS NA NAGPAPALIBAN SA BARANGAY AT SK ELECTIONS, HINILING SA SUPREME COURT

Loading

Naghain si election lawyer Romulo Macalintal ng petisyon sa Supreme Court para hilingin ang paglalabas ng temporary restraining order laban sa pagpapatupad ng batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sinabi ni Macalintal na inihain niya, electronically, kagabi, ang petisyon laban sa kapa-pasa lamang na Republic Act No. 12326 o the Act Fixing the Term of Office of Barangay Officials and Members of the Sangguniang Kabataan to Five Years.

Aniya, mabilis pa sa aklat na inaprubahan ang naturang batas at ginawa itong immediately and executory.

Noong Biyernes ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nagpapaliban sa Barangay at SK elections ngayong taon at gagawin ito sa November 2028.

Binigyang-diin ni Macalintal na napakahabang extension ng tatlong taon para sa mga incumbent official, na aniya ay paglabag na sa karapatan natin na makaboto.

About The Author