dzme1530.ph

BELA PADILLA, INANUNSYONG HIWALAY NA SILA NG KASINTAHANG SI MARTIN TAN

Loading

Naghiwalay na ang magkasintahang Bela Padilla at tech CEO Martin Tan.
 
Ginawa ng aktres ang anunsyo sa Instagram, kahapon, kasabay pasasalamat sa mga sumuporta sa kanilang relasyon.
 
Inamin ni Bela na ito ang unang relationship niya na na-inlove siya ng husto.
 
Idinagdag ng aktres na bagaman mukha silang regular new couple sa viral video sa Legazpi Market, ilang buwan na aniya nilang pinagdadaanan ang “best and also hardest days” bilang magkasintahan.
 
Sa kabila ng breakup, puro magagandang salita ang sinabi ni Bela para kay Martin.
 
Inilarawan niya ang ex-boyfriend bilang most fun, smartest, at most charming people na kanyang nakilala.

About The Author