dzme1530.ph

‘FILIPIÑANA’ ACTRESS JORRYBELL AGOTO, NAKIKIPAGLABAN SA CANCER

Loading

Naka-confine sa ospital ang bida sa pelikulang “Filipiñana” na si Jorrybell Agoto habang nakikipaglaban sa lymphoma.

Sa collaborative Instagram post ng kanyang mga mahal sa buhay, isiniwalat na naka-admit si Jorrybell sa critical care unit sa St. Luke’s Hospital habang “bravely fighting through a difficult chapter in her battle against cancer.”

May ibinigay na QR code para sa mga gustong magbigay ng donasyon sa aktres.

Ang “Filipiñana” ay ang official entry ng Pilipinas sa Oscars.

Una nang nanalo ang pelikula na dinirek ni Rafael Manuel ng Special Jury Award sa Sundance Film Festival noong Pebrero.

About The Author