![]()
Pirma na lang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kailangan upang ganap nang maging batas ang panukalang gawing limang taon ang termino ng brgy. at SK officials at magpapaliban sa Barangay at SK Elections na nakatakda sa November 2.
Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, ipinadala na nila angbrgy. enrolled bill sa Office of the President.
Inaasahan na lalagdaan ito ng Pangulo dahil wala namang impormasyon na ibi-veto.
Iginiit ni Gatchalian na dapat itong maisabatas ngayong linggo para hindi na ituloy ang filing ng kandidatura para sa eleksyon na ini-schedule na ng COMELEC sa September 28 hanggang October 5.
Naging mabilis ang panukala dahil in-adopt ng Kamara ang Senate Bill Number 2387 na inaprubahan ng Senado at inakda ni Senator Chiz Escudero.
Sa nasabing panukala, gagawin ng limang taon ang isang termino ng brgy. at SK officials kaya palalawigin din ang panunungkulan ng mga nakapwesto ngayon at sa November 2028 na ang eleksyon.
