dzme1530.ph

FOREIGN INVESTMENT INFLOWS SA BANSA, BUMAGSAK NG 17.8% SA UNANG ANIM NA BUWAN NG 2026

Loading

Bumaba ang net inflows ng Foreign Direct Investments (FDIs) noong Hunyo, batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Naitala lamang sa 447 million dollars ang FDI net inflows noong Hunyo, mas mababa sa 638 million dollars noong Mayo, subalit mas mataas sa 331 million dollars na na-record noong June 2025.

Kabilang sa FDI data ang investments ng nonresident direct investor sa isang Philippine-based enterprise kung saan nagmamay-ari ang investor ng hindi bababa sa 10% ng equity ng kumpanya.

Kasama rin dito ang investments na pinasok ng foreign subsidiary o associate sa kanilang Philippine parent o direct investor.

Ang FDIs ay maaaring sa porma ng equity capital, reinvestment of earnings, at borrowings.

About The Author