dzme1530.ph

UGANDA, UMATRAS SA INVICTUS GAMES NI PRINCE HARRY, AYON SA MILITARY CHIEF

Loading

Umatras ang Uganda sa Invictus Games, isang sports event na inorganisa para sa mga nasugatang military veterans at pinangangasiwaan ng Duke of Sussex, dalawang buwan matapos magsabi ang bansa na sasali.
 
Ginawa ni General Muhoozi Kainerugaba, Chief of Defence at anak ng pangulo, ang announcement sa pamamagitan ng social media post sa X.
 
Sinabi ni Kainerugaba na ang kanilang desisyon na umatras sa laro ay upang hindi maipagkamali bilang pagkontrol kay King Charles III.
 
Hindi anya sila sasali sa anuman na walang approval ng hari.
 
Kasunod ito ng paglilinaw ni King Charles na sina Prince Harry at Meghan na kababalik lamang sa United Kingdom ay hindi working royals. 

About The Author