dzme1530.ph

ELENA RYBAKINA, UMAKYAT SA NO. 1, BAGO ANG PAGHAHARAP NILA NI COCO GAUFF SA US OPEN SEMIS

Loading

Sasabak si No. 2 seed Elena Rybakina sa US Open semifinals sa unang pagkakataon, kasabay ng pag-abot niya sa No. 1 world ranking, kasunod ng 3-6, 6-1, 6-4 victory laban kay Qinwen Zheng ng China sa New York.
 
Sunod na makakalaban ni Rybakina si 2023 US Open champion Coco Gauff, na tumalo naman kay WTA Rank No. 5 Mirra Andreeva ng Russia.
 
Papalitan ng 27-year-old Russian tennis star si Aryna Sabalenka ng Belarus bilang top-ranked player sa buong mundo kapag opisyal nang ni-release ang ranking.
 
Sinabi ni Rybakina na numero lamang ito at nasa semis pa lang siya ng kompetisyon at ang kanyang goal ay manalo sa mga tournament na kanyang sinasalihan.

About The Author