![]()
Inaprubahan ng Board of Investments (BOI) ang Certificate of Registration ng SteelAsia Lemery Works, Inc. (SLWI) para sa kanilang 19.82-billion peso steel manufacturing facility sa Batangas.
Sinabi ng BOI na ang naturang proyekto ay ang kauna-unahang manufacturing facility para sa medium steel sections sa bansa.
Ang 72-hectare facility ay matatagpuan sa Barangay Mataas na Bayan sa Lemery, at inaasahang magiging operational sa January 2027.
Ayon sa BOI, mag-i-specialize ang planta sa local production ng structural steel products, na kasalukuyang kinukuha sa pamamagitan ng pag-i-import.
Inaasahang papalo sa 500,000 metric tons ang annual production capacity ng planta habang ang employment ay tinatayang aabot sa 656 workers pagsapit ng ikatlong taon ng operasyon nito.
