![]()
Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magandang ipinakita ng Pilipinas sa pinakabagong Programme for International Student Assessment (PISA), sa sukatan sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ayon sa Department of Education (DepEd), naitala ng bansa ang pinakamataas nitong scores sa reading, science, at math.
Sa kanyang video message, masayang sinabi ni Pangulong Marcos na isa ang Pilipinas sa pinakamaganda ang performance sa pagpapaganda ng educational sector.
Inihayag ng DepEd na ang 15-year-old learners sa bansa ay naka-score ng 373 sa science, 371 sa mathematics, at 367 sa reading, na mas mataas ng 17, 16, at 20 points mula sa resulta noong 2022.
Pang-77 ang Pilipinas mula sa 91 na bansa na lumahok sa science, pang-74 mula sa 90 sa mathematics, at pang-72 mula sa 90 sa reading.
Gayunman, nananatiling mas mababa ang bansa sa Organisation for Economic Cooperation and Development (OECD) average scores na 482 sa science, 463 sa mathematics, at 461 sa reading.
