dzme1530.ph

DOH HOSPITALS, INABISUHAN NA MAGDAGDAG NG BED CAPACITY PARA SA MGA PASYENTENG MAY LEPTOSPIROSIS

Loading

Mayroon pang hanggang 42 beds na available ang mga ospital sa Metro Manila na nasa ilalim ng Department of Health (DOH) para sa leptospirosis patients.
 
Sinabi ni Health Secretary Edwin Mercado na inabisuhan na rin nila ang kanilang mga ospital na magdagdag ng hospital beds para sa mga pasyenteng tinamaan ng leptospirosis, sa gitna ng pagtaas ng mga kaso kasunod ng mga pagbaha dulot ng habagat.
 
Inihayag din ng Kalihim na nakikipag-ugnayan sila sa private hospitals upang magamit ang kanilang 10% to 15% zero-balance-billing beds, sakaling tumaas pa ang leptospirosis cases.
 
Sa pinakahuling datos ng DOH, umabot na sa 4,285 ang kaso ng leptospirosis sa buong bansa, as of Aug. 22, na mas mababa ng 37% kumpara sa 6,839 na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

About The Author