dzme1530.ph

SUPORTA SA MIDDLE CLASS, IPINAG-UTOS NI PANGULONG BONGBONG MARCOS

Loading

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamahalaan na suportahan ang middle class kasunod ng report na 6.5 milyong Pilipino ang naiahon mula sa kahirapan sa pagitan ng 2023 at 2025, ayon kay Executive Secretary Ralph Recto.
 
Sinabi ni Recto na hindi magiging kampante ang gobyerno, kasabay ng pagtukoy sa krisis sa Middle East, pati na sa climate disruptions.
 
Aniya, tutugunan ng pamahalaan ang mga naturang isyu sa pamamagitan ng programa na magpapabilis sa infrastructure projects na lilikha ng mga trabaho, magpapasigla sa lokal na ekonomiya, makababawas sa gastos sa logistics, at makahihikayat ng mas maraming investments.
 
Idinagdag ni Recto na pinag-aaralan din ng administrasyon ang mga hakbang na magpapababa sa household expenses, magpapataas sa disposable income, magpapatatag sa middle class, at magpapasigla sa pagkonsumo.
 
Bukod dito, target din ng gobyerno na itaas ang personal income tax exemption ng mga indibidwal sa 350,000 pesos annually, at i-exempt ang small businesses mula sa minimum corporate income tax, amyendahan ang Electric Power Industry Reform Act, at ipasa ang Sariling Kuryente Act.

About The Author