![]()
Pumanaw na ang miyembro ng pre-teen singing group na Sugarpop at umawit ng “Dota o Ako” na si Vanessa Blanca, sa edad na 30.
Ang malungkot na balita ay inanunsyo ng pinsan ni Vanessa na si Ivy Ann Salaum Jubelag sa Facebook.
Sa post ni Ivy, sinabi niya na pumanaw ang singer, kahapon, Aug. 19, kasunod ng aksidente sa tinutuluyan nitong condominium sa Maynila.
Sa hiwalay na Facebook post, inihayag ni Ivy na nagtamo si Vanessa ng severe traumatic brain injury na nagresulta ng internal brain hemorrhage matapos aksidenteng matumba.
Aniya, nagbibihis sa banyo ang pinsan nang madulas at tumama ang kanyang mukha at ulo sa sahig.
Magkakaroon ng public viewing, bukas, Aug. 21, 6 p.m. sa Loyola Memorial Chapels sa Commonwealth, Quezon City.
