dzme1530.ph

STRONG GROUP-PILIPINAS, DINUROG ANG JAPAN SA IKATLONG SUNOD NA PANALO SA JONES CUP

Loading

Dinurog ng Strong Group-Pilipinas ang Japan, sa score na 107-86, para sa kanilang ikatlong sunod na panalo sa 2026 William Jones Cup.
 
Pinangunahan ni Isaiah Pineiro ang SGA sa kanyang 25 points at 5 rebounds habang nag-ambag sina Tajuan Agee at Remy Martin ng 15 points at 13 points.
 
Nakapagtala rin sina DJ Ferrer at Ian Miller na may tig-12 points; Matthew Wright, 10 points; at Titing Manalili na may 9 points at 3 assists.
 
Ayon kay head coach Charles Tiu, ipagpatuloy lang ng mga player ang mahusay na paglalaro bilang team.
 
Sunod na makakasagupa ng Pilipinas ang Wonju DB Promy ngayong Miyerkules.

About The Author