dzme1530.ph

DSWD, MAY SAPAT PANG PONDO PARA SA PAGTUGON SA MGA KALAMIDAD

Loading

May sapat pang pondo ang Department of Social Welfare and Development o DSWD para sa kanilang mga programa lalo na sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.
 
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, tuloy-tuloy ang kanilang humanitarian assistance at disaster response.
 
Kasabay nito, tiniyak ni Dumlao na magpapatuloy din ang pagrereporma nila sa iba’t ibang programa upang mabigyan ng mas maayos na pamumuhay ang publiko.
 
Kaya naman handang-handa rin anya silang humarap sa budget deliberations sa Kongreso upang ipagtanggol ang pagpopondo sa kanilang ahensya sa susunod na taon.

About The Author