dzme1530.ph

DEATH TOLL SA LANDSLIDE SA BAGUIO CITY, UMAKYAT NA SA WALO

Loading

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa landslide sa Barangay Guisad Surong sa Baguio City, ayon sa Baguio City Public Information Office.
 
Sa post ng PIO sa Facebook, isa sa tatlong survivors ang naiulat na binawian ng buhay sa ospital.
 
As of 8 p.m. kagabi, umakyat na sa walo ang death toll sa landslide habang tatlo ang nawawala at dalawa ang nailigtas.
 
Nangyari ang pagguho ng lupa, dakong ala-siyete ng gabi noong Linggo sa gitna ng malakas na buhos ng ulan.
 
Natabunan nito ang tatlong bahay at naapektuhan ang nasa limang pamilya.

About The Author