dzme1530.ph

PANUKALA PARA SA MULING PAGPAPALIBAN NG BARANGAY AT SK ELECTIONS, KINONTRA

Loading

KINONTRA ni Senate President Pro Tempore Vicente Tito Sotto III ang panukala ni Senador Francis Chiz Escudero na muling ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sa Nobyembre.
 
Ayon kay Sotto, masasayang ang walong bilyong pisong pondo na inilaan para sa halalan ngayong taon.
 
Sa impormasyon din ni Sotto ay sinimulan nang gastusin ng Commission on Elections ang nabanggit na pondo bilang paghahanda sa nalalapit na halalan.
 
Sa panukala ni Escudero, sa halip na sa Nobyembre ngayong taon, isasagawa ang barangay at SK elections sa November 2028 at gagawin ito tuwing ikalimang taon.
 
Bukas naman si Sotto na pag-usapan ang panukala ni Escudero na palawigin sa limang taon mula sa apat na taon ang termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan, kung saan papayagan ang mga barangay officials na makapagsilbi ng tatlong consecutive terms sa parehong posisyon habang mananatiling limitado sa isang termino ang mga SK officials.
 
Ayon kay Escudero, layunin ng kanyang panukala na mapaganda ang stability at consistency ng serbisyo publiko sa barangay level.

About The Author