dzme1530.ph

OPINYON NI PANGULONG MARCOS SA IMPEACHMENT PROCEEDING, HINDI MAHALAGA, AYON KAY VP SARA

Loading

“Hindi importante ang opinyon ng Pangulo sa impeachment proceeding.”
 
Pahayag ito ni Vice President Sara Duterte, kasabay ng pagbibigay-diin na ang impeachment proceeding ay dapat guided ng Constitution at due process.
 
Aniya, may karapatan ang respondent na katawanin ng abogado, at ang desisyon na personal na tumestigo ay usapin ng legal strategy at constitutional rights.
 
Sinabi ni VP Sara na ang “burden” ay nananatili sa prosekusyon para patunayan ang kanilang mga paratang.
 
Idinagdag pa nito na ang integridad ng impeachment trial ay nakadepende sa pagtalima sa rule of law, at hindi sa personal na pagdalo ng respondent.
 
Reaksyon ito ng Bise Presidente sa komento ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas madaling makuha ang puno’t dulo ng lahat kung haharap si Duterte sa Impeachment Court kapag nagsimula na ang paglilitis.

About The Author