dzme1530.ph

THRESHOLD SA CONVICTION SA IMPEACHMENT CASE LABAN KAY VICE PRESIDENT SARA DUTERTE, MANANATILI SA 16

Loading

NANINIDIGAN si Impeachment Court Presiding Officer Francis Chiz Escudero na mangangailangan ng 16 na boto mula sa senator-judges para maconvict si Vice President Sara Duterte.
 
Biniyang-diin ni Escudero na alinsunod sa konstitusyon, ang conviction ay ibabatay sa 2/3 ng lahat ng miyembro ng Senado kaya’t dahil 24 ang senador, kailangan ng 16 na bodto para sa conviction.
 
Tinukoy pa ni Escudero ang 2000 case ng Bayan vs Zamora kung saan tinukoy na kailangan ng 2/3 votes para sa concurrence ng Senado sa isang tratado at tinukoy na kailangan ng 16 na boto kahit noong mga panahon iyon ay 23 lamang ang senador.
 
Kasabay nito, nanawagan si Escudero sa lahat ng panig na iwasan ang pagbibigay ng mga komento kaugnay ng merito ng kaso.
 
Ipinaalala ni Escudero na hindi nila isinasagawa ang impeachment trial upang isulong ang anumang political agenda.
 
Iginiit niyang dapat mailabas ang buong katotohanan sa mga alegasyon kasabay ng paalala na dapat pa ring pagtuunan ng pansin ng Senado ang iba pang usapin sa bansa.

About The Author