![]()
Tinapos na ng Iglesia ni Cristo (INC) ang tatlong araw na rally na isinagawa bilang suporta kay Sen. Rodante Marcoleta, na nakatakdang kasuhan ng Office of the Ombudsman ng plunder.
Kaugnay ito sa umano’y ₱75 milyong campaign contributions na hindi idineklara sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
Isinagawa ang unang dalawang araw ng rally sa EDSA People Power Monument sa White Plains Avenue, Quezon City, mula Martes hanggang Miyerkules, na nagdulot ng matinding trapiko sa lugar.
Samantala, inilipat sa Liwasang Bonifacio sa Maynila ang ikatlo at huling araw ng pagtitipon matapos bawiin ng Quezon City government ang permit ng grupo.
Pinasalamatan naman ni INC spokesperson Edwil Zabala ang lahat ng nakiisa sa malawakang protesta.
