dzme1530.ph

10,000 HANGGANG 15,000 KATAO, INAASAHANG DADALO SA RALLY NG INC SA LIWASANG BONIFACIO, AYON SA MPD

Loading

Tinaya ng Manila Police District sa 10,000 hanggang 15,000 ang dadalo sa ikatlong araw ng rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Liwasang Bonifacio ngayong Huwebes.

Ayon kay Acting MPD Director Police Brig. Gen. Arnold Santiago, sakaling kailanganin ng mas malaking lugar, irerekomenda nila i-extend ang pagtitipon patungong Luneta, malayo sa Malakanyang.

Sinabi ni Santiago na mayroon pang tatlong freedom parks na maaari nilang irekomenda sa organizers.

Kinabibilangan ito ng Plaza Dilao sa Paco, Plaza Moriones sa Tondo, at Plaza Miranda sa Quiapo.

Idinagdag ni Santiago na nag-deploy sila ng “substantial amount” ng police officers para ma-secure ang lugar.

About The Author