![]()
Nagkumahog ang mga magulang na sunduin ang kanilang mga anak sa Bagong Silangan High School sa Quezon City kasunod ng napaulat na banta, ngayong Huwebes.
Ayon sa mga rumespondeng pulis mula sa Quezon City Police District (QCPD) Station 13, false alarm ang naiulat na security threat.
Sinabi ni Police Lieutenant Colonel Rowena Amata, station commander ng QCPD-PS 13, na nag-ugat ang naturang banta sa chain messages na nagsabing mayroong mananakit sa mga estudyante.
Batay sa kanilang imbestigasyon, walang nangyaring pamamaril o pananaksak sa paaralan.
Binigyang-diin ng opisyal na lahat ng umano’y saksakan at barilan ay walang katotohanan.
Gayunman, limang estudyante ang dinala sa school clinic matapos mahirapang huminga dahil sa panic.
