dzme1530.ph

BAGONG STATUS NG PILIPINAS BILANG UPPER-MIDDLE-INCOME COUNTRY, BUNGA NG MABISANG ECONOMIC POLICIES AT MGA REPORMA, AYON KAY PBBM

Loading

Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pananatilihin ang nakamit na economic gains ng bansa matapos maabot ng Pilipinas ang upper-middle-income status.
 
Positibo si Pangulong Marcos na ang milestone na ito ay magbubunga ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino.
 
Aniya, ang bagong klasipikasyon ay repleksyon ng mabisang economic policies at mga repormang ipinatupad sa nakalipas na apat na taon.
 
Sinabi ni Marcos na sa loob ng maraming taon ay nagsikap ang mga Pilipino na itaguyod ang bansa, at ngayon ay napansin na ito ng mundo.
 
Simula noong 1987 ay nanatili ang Pilipinas sa lower-middle-income economy.
 
Idinagdag ng Pangulo na ang bagong status ng bansa ay nagpapatunay sa mga hakbang ng pamahalaan na panatilihing matatag ang ekonomiya sa kabila ng global uncertainties.
 
Kinilala rin ng Punong Ehekutibo ang katatagan at pagsusumikap ng mga Pinoy para sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

About The Author