dzme1530.ph

NCRPO, NANANATILING NAKA FULL ALERT SA GITNA NG RALLY NG INC SA LIWASANG BONIFACIO

Loading

Nananatili sa “full alert status” ang National Capital Region Office sa gitna ng isinasagawang rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.
 
Gayunman, ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Allen Rae Co, ibinaba na sa “heightened alert” ang status para sa natitirang bahagi ng bansa.
 
Inilipat ng INC ang kanilang rally sa Liwasang Bonifacio matapos hindi na payagan ng Quezon City Government na i-extend ang permit ng religious group para makapagdaos ng protesta sa EDSA-White Plains area.
 
Una nang itinaas ng PNP sa full alert ang kanilang pwersa kasunod ng rally ng INC members sa EDSA People Power Monument na nagsimula noong Martes.

About The Author