![]()
Nabahala ang abogado ni dating Speaker Martin Romualdez sa pasya ng Ombudsman na gawing state witness si former DPWH Secretary Manuel Bonoan.
Ayon kay Atty. Ade Fajardo, si Bonoan ay “deeply involved” sa flood control projects, kaya tinawag niya itong “most polluted, very biased, at not the least guilty” source.
Katunayan sa salaysay ni former DPWH Undersecretary-turned-state witness Roberto Bernardo, si Bonoan ay tumanggap ng P1-B kickbacks sa flood control projects na dapat ibalik sa National Treasury.
Nanindigan si Fajardo na walang role si Romualdez sa pagpondo, pagpili at implementasyon ng flood control projects dahil ang lahat ng ito ay nasa kontrol ng Executive Branch.
Una nang sinabi ni Omb. Jesus Crispin Remulla na kasado na ang pagiging state witness ni Bonoan, kaya naman may abiso na ito sa Sandiganbayan para alisin sa talaan ng mga sinampahan nila ng kasong plunder.
