![]()
Hindi pa tiyak ang prosecution panel kung maglalabas na agad sila ng testigo sa Lunes, July 6, ang unang araw ng impeachment trial.
Ayon kay trial spokesman at impeachment adviser Robert Ace Barbers, handang-handa na ang prosekusyon pero tiyak na uunahin ng impeachment court ang procedural matters.
Unang-una ay kung sino ang tatayong presiding officer sa impeachment trial.
Naghihinay-hinay din si Barbers sa pagbibigay detalye bilang bahagi ng legal strategy ng mga abogado.
Unang isasalang ay ang Article 4 o ang assassination threat ni VP Sara kina President Bongbong Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at former Speaker Martin Romualdez.
Base sa pre-trial order, may 11 days ang prosecution para tapusin ang Article 4, at ito ay pangungunahan ni prosecutor Lorenz Defensor ng Iloilo.
