![]()
PINAALALAHANAN ni Senate President Sherwin Gatchalian ang mga opisyal ng pamahalaan na responsibilidad nilang protektahan ang kabataan at tukuyin ang masamang nakaaimpluwensya sa mga kabataan.
Sa pagdinig ng Senado sa Tacloban school shooting, inamin ni Gatchalian na batay sa kanyang obserbasyon at pag-aanalisa, ang teknolohiya tulad ng social media at mga online games ay labis na nakaaapekto sa mga kabataan partikular na sa mental health at pag-aasal ng mga kabataan.
Sa kabila aniya ng magagandang epekto ng teknolohiya na nakatutulong sa pag-aaral ng mga kabataan, dapat rin na tanggapin na marami itong masamang epekto na dapat na pag-aralan at hindi dapat na isantabi.
Nababahala rin si Gatchalian dahil sa teknolohiya ay tinuturuan ang mga bata na maging bayolente nang walang dahilan at ito ay lumalawak at gumagapang sa mga social media platforms at mga violent games na hindi namamalayan ng mga magulang.
Nanawagan si Gatchalian na dapat itong agarang bigyan ng pansin bago kumalat nang tuluyan sa iba’t ibang parte ng bansa.
