![]()
Iniimbestigahan na ng Philippine National Police ang mga nasa likod ng pekeng social media posts na nagsasabing postponed ang pagsisimula ng klase ngayong June 8.
Ayon kay Police General Jose Melencio Nartatez Jr., posibleng maharap sa legal action ang mga nagkakalat ng pekeng impormasyon.
Inatasan ni Nartatez ang Anti-Cybercrime Group upang ma-trace ang pinagmulan ng mga posts.
Kinondena rin ni Nartatez ang pagpapakalat ng mga pekeng balitang ito na nagdulot ng kalituhan sa mga estudyante, mga magulang at ng publiko.
Pinaalalahanan din ng heneral ang publiko na maniwala lamang sa mga beripikadong impormasyon mula mismo sa mga official government channels.
