![]()
KINUMPIRMA ni NBI Director Melvin Matibag na maraming kaduda-duda, inconsistencies at hindi maaaring gamitin para magsampa ng kaso sa mga binanggit na napadalhan ng male-maletang pera an testimonya ng 18 dating bodyguards ni dating Cong. Zaldy Co.
Sa consultative meeting ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Matibag na coached o tinuruan lamang ang mga bodyguards sa kanilang salaysay kaya’t maaaring hindi tumyo sa korte.
Sa tantya pa ni Matibag, nas 10-20 percent lang ng kabuuang testimonya ang maituturing na personal knowledge ng mga bodyguards.
Sinabi ni Matibag na karamihan sa mga sinabi ng mga bodyguards ay hearsay lamang at wala rinng dolumento na kaakibat ng mga testimonya.
Maging ang laman anya ng maleta o bag na dineliver ay hinulaan lamang at inakalang pera dahil sa bigat nito.
Sa impormasyon naman na inalok ni Mike Defensor ang 18 ng tig-P5 milyon, sinabi ni Matibag na may tumestigo kaugnay nito.
