![]()
Malaking hamon sa buong House Prosecution Team ang set-up ng Senate majority bloc ngayon, na instrumento sa pag-archive sa 2025 impeachment raps laban kay VP Sara Duterte.
Ayon kay House Senior Deputy Majority Leader Lorenz Defensor, prosecutor sa impeachment trial, lahat ng nag archived sa unang impeachment complaint ay nakaupo lahat ngayon sa pangunguna ni Senate President Alan Peter Cayetano.
Pinangangambahan nila na mukhang mahirap matamo ang impartial trial dahil sa may tutol silang matuloy ang paglilitis.
Gayunman, nilinaw ni Defensor na ayaw naman nilang i-prejudge kaagad ang mga senator-judges sa bagong Articles of Impeachment.
Kahit paano ay umaasa pa rin umano sila na iiral ang rule of law lalo’t sinunod nila sa Kamara ang nakasaad sa desisyon ng Korte Suprema gaya ng due process sa pagtupad ng impeachment process.
