dzme1530.ph

PAGKAWALA NG PAGGALANG AT TIWALA SA SENADO, DAPAT AKSYUHAN NG BAGONG LIDERATO

Loading

AMINADO si Senador Risa Hontiveros na nakakalungkot at nakakahiya na pinagtatawanan ng marami ang Senado dahil sa mga kaganapan kahapon.
 
Sinabi ng senadora na batid niyang marami ang nadismaya, nasaktan, at nagalit na kanyang naiintindihan matapos ang habulan at taguan sa hagdan, girian sa pagitan ng mga security at law enforcement personnel at may mga empleyado ng Senado na nasaktan.
 
Nakakapanghinayang anyang nagiging viral ang Senado sa mga maling dahilan na nakaapekto sa lahat kasama na ang majority at minority, Senate employees, at ang trabaho ng mga senador.
 
Dahil dito, nanawagan si Hontiveros sa bagong liderato ng Senado na protektahan ang dignidad at reputasyon ng Senado dahil nawawala ang paggalang at tiwala ng taumbayan sa Senado kapag ginagamit sa mali ang kanilang kapangyarihan at tradisyon upang maiwasan ang pananagutan.
 
Iginiit niyang dapat ibalik ang respeto, ang maayos na proseso, at ang pananagutan sa ating institusyon.
 
Hinimok din niya ang lahat na ipagpatuloy lamang ang pagsasabi ng katotohaan at paghahanap ng pananagutan sa mga katiwalian at pag-abuso sa kapangyarihan.

About The Author