dzme1530.ph

SEN. DELA ROSA, PATULOY NA MAGKAKANLONG SA SENADO

Loading

NANINDIGAN si Senador Ronald Bato dela Rosa na mananatili siya dito sa gusali ng Senado hangga’t hindi niya na-e-exhaust o nagagamit ang lahat ng legal na remedyo para sa kanyang kaso.
 
Hangga’t wala aniyang desisyon ang Korte Suprema sa mga petisyong inihain kaugnay ng kanyang kaso ay hindi siya aalis dito sa mataas na kapulungan.
 
Iginiit pa ni dela Rosa na hindi niya gugustuhing madala sa The Hague kaya gagawin ang lahat ng legal na paraan at lalong-lalo na walang Pilipino ang gugustuhing makulong sa ibang bansa.
 
Nilinaw naman ni dela Rosa na hindi niya kini-claim o kinuha ang kanyang sahod sa Senado.
 
Ayon kay Dela Rosa, bagamat hindi niya ito pinakuha, mayroon lamang mga ilang buwan na sahod na na-claim ng kanyang staff subalit hindi naman niya kinuha dahil nasa Mindanao siya.
 
Inatasan na lamang niya ang kanyang mga staff na gamitin ang nakuhang sweldo sa kawang-gawa o relief efforts para maibalik sa taumbayan.
 
Inutusan din niya ang kanyang staff na huwag nang kunin ang sahod sa mga nagdaang buwan.

About The Author