![]()
POSIBLENG maging dahilan ng constitutional crisis ang naging desisyon ng Senado na isailalim sa protective custody si Senador Ronald Bato dela Rosa sa gitna ng warrant of arrest na ipinalabas ng International Criminal Court.
Ayon kay Senador Juan Miguel Migz Zubiri, posibleng iba ang maging interpretasyon ng executive department sa aksyon na ito ng Senado.
Iginiit ni Zubiri na dapat ay muling talakayin ng mga senador ang desisyon kapag malamig na ang kanilang mga ulo.
Samantala, sinabi ni Zubiri na posibleng kwestyunin nila ang mga inaprubahang mosyon ng Senado kahapon dahil ginawa ito sa oras na walang isang miyembro ng minority ang nasa plenaryo.
