dzme1530.ph

ILOILO CITY, ITINUTURING NA MODELO NG URBAN DEVELOPMENT DAHIL SA MGA PINAGANDANG PUBLIC MARKET

Loading

Pinagtibay ng matagumpay na redevelopment ng Iloilo Central at Terminal Markets ang imahe ng Iloilo City bilang pangunahing modelo ng urban development sa Pilipinas.

Ayon kay dating Senate President Franklin Drilon, ang dalawang pamilihan ay nagsisilbing patunay kung paano nababago ng maayos na public-private partnerships (PPP) ang pampublikong imprastraktura at nakatutulong sa inklusibong paglago ng ekonomiya.

Ginawa ni Drilon ang pahayag matapos bisitahin ang dalawang pamilihan, kasama si Iloilo City Mayor Raisa Treñas.

Pinasalamatan din ng dating Senate President ang SM Group sa paglalaan ng humigit-kumulang tatlong bilyong piso para sa redevelopment, na nagresulta sa aniya’y napakagandang masterpiece na akmang halimbawa kung paano dapat ipatupad ang PPP.

About The Author