dzme1530.ph

RAMIL MADRIAGA, TINAWAG NA SINUNGALING NI SEN IMEE MARCOS

Loading

AGAD na umalma si Senador Imee Marcos sa mga naging alegasyon ng nagpakilalang dating tauhan at bagman ni Vice President Sara Duterte sa Kamara kahapon.
 
Direktang tinawag ni Marcos na sinungaling si Ramil Madriaga kasabay ng paggiit na walang katotohanan ang sinasabing term sharing sa pagitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Vice President Sara Duterte.
 
Sinabi ni Marcos na isa siya sa nagsulong ng tandem ng kanyang kapatid at ng kanyang kaibigan na si VP Sara at wala sa kanilang mga naging usapan ang kasunduan para sa paghahati ng termino.
 
Tanong din ni Marcos kung anong kinalaman ng mga pahayag ni Madriaga sa impeachment sa Bise Presidente.
 
Nanawagan din ang mambabatas sa kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos na huwag kunsintihan ang mga pulitikong ginagamit si Madriaga.

About The Author