dzme1530.ph

SUSPENSYON SA VAT SA LANGIS, IMINUNGKAHI SA DOF

Loading

Iminungkahi ni Biñan City Lone District Rep. Alfredo Arman Dimaguila sa Department of Finance (DOF) na suspindihin muna ang VAT sa langis.
 
Sa public hearing ng LEAD joint committee, sinabi ni Dimaguila na kumikita pa ng hanggang 11 pesos per liter ang gobyerno mula sa windfall tax nang sumipa ang presyo ng petrolyo sa bansa.
 
Ayon sa kongresista, epektibong hakbang ang pagsuspindi sa oil VAT dahil madali itong ipatupad, hindi kagaya ng sa excise tax na kailangan pang ubusin ang stocks.
 
Sinabi ni Dimaguila na masamang pakinggan na naging bahagi pa ang pamahalaan sa pagpapahirap sa taumbayan nang sumipa ang presyo ng petrolyo sanhi ng Middle East conflict.
 
Ang 12% VAT sa petrolyo ay ipinapataw sa bawat litro na binibili.

About The Author