![]()
Bukas ang House mega panel sa mungkahi na suspindihin muna ng pamahalaan ang 12% value-added tax (VAT) ngayong may global oil crisis.
Ayon kay Marikina City Rep. Miro Quimbo, bukas ang mega panel sa anumang proposal na makakatulong upang gumaan ang pinapasan ng taumbayan.
Masusi na umano itong napag-usapan sa nagdaang pagdinig, pero kailangan itong dumaan muna sa maingat na pag-aanalisa.
Saad ni Quimbo, hindi lamang ang overall fiscal impact ang tinitingnan, kundi higit sa lahat kung talagang magbibigay ito ng makabuluhang pagbaba sa presyo ng pump prices at hindi makakaapekto sa long-term strength ng ekonomiya.
Bukod sa excise tax, isa sa isinusulong ng nakararaming kongresista ay ang pagtanggal din ng VAT sa petrolyo.
