dzme1530.ph

GOBYERNO, KINUWESTYON SA HINDI DIREKTANG PAGBILI NG PETROLYO SA RUSSIA

Loading

KINUWESTYON ng mga senador kung bakit hindi direktang bumibili ng produktong petrolyo ang Pilipinas sa Russia.
 
Sa pagdinig ng Senate Protect Committee, sinabi ni Senador Imee Marcos na ang ibang ASEAN countries ay kumukuha na ng langis sa Russia.
 
Ipinaliwanag naman ni DFA Secretary Ma. Theresa Lazaro na nirerespeto ng bansa ang sanction na ipinataw ng US sa Russia.
 
Sa panig naman ni Energy Secretary Sharon Garin, iginiit niyang ang mga oil company ay nag-iingat na hindi sila habulin ng US.
 
Sa kabilang dako, nilinaw ni Senador Sherwin Gatchalian na walang nagbabawal sa Philipine National Oil Company na umorder ng langis sa Russia anumang oras.
 
Kaya naman hinihikayat ng mga senador ang gobyerno na direkta nang makipag usap sa gobyerno ng Russia, partikular sa pamamagitan ng ating ambassador doon.
 
Iginiit din ni Gatchalian na ang pinakamahalaga ngayon ay ang interes ng bansa at ang matiyak na may sapat tayong suplay ng langis.

About The Author