dzme1530.ph

PAMAMAHAGI NG DSWD NG CASH ASSISTANCE SA MGA TRICYCLE DRIVERS SA LABAS NG METRO MANILA, MAGSISIMULA NA BUKAS

Loading

Magsisimula na bukas ang pamamahagi ng cash assistance ng Department of Social Welfare and Development sa mga tricycle drivers sa labas ng Metro Manila.

 

Kabilang sa saklaw ng payout ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas at Negros Island Region.

 

Gayundin ang Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga at Cordillera Administrative Region.

 

Pinapayuhan naman ang mga benepisyaryo na alamin ang payout sites sa kanilang lugar sa pamamagitan ng anunsyo ng DSWD Field Offices.

 

Ang pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS ay bilang tugon sa patuloy na epekto ng kaguluhan sa Middle East.

About The Author