dzme1530.ph

POPE LEO, NANAWAGAN NA PILIIN ANG KAPAYAPAAN, SA KANYANG UNANG EASTER MESSAGE

Loading

Hinimok ni Pope Leo XIV ang mga naghasik ng digmaan na piliin ang kapayapaan sa kanyang unang Easter blessing bilang Santo Papa, sa gitna ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Middle East.

 

Ipinagdiwang ng mga Katoliko sa buong mundo ang Pasko ng Pagkabuhay habang nagpapatuloy ang giyera na nagsimula sa pag-atake ng US at Israel sa Iran noong February 28.

 

Sa harap ng mga deboto sa St. Peter’s Square sa Vatican, sinabi ni Pope Leo na tila nasanay na ang mga tao at nagpaparaya na lamang sa karahasan, at naging manhid na.

 

Nanawagan din ang lider ng nasa 1.4 bilyong Katoliko sa buong mundo ng prayer vigil sa Vatican sa April 11.

 

Nagbigay-pugay si Pope Leo sa kanyang predecessor na si Pope Francis, na huling nasilayan ng publiko noong Easter Sunday ng nakaraang taon, ilang oras bago pumanaw.

About The Author