![]()
Hindi sapat na dahilan ang energy crisis para mahinto ang pagpapanagot kay Vice President Sara Duterte.
Tinanggihan ni Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores, vice chair ng House Committee on Justice ang mungkahing isuspindi ang impeachment proceedings dahil sa oil crisis.
Ayon kay Flores, ang Saligang Batas ay may itinakdang istriktong timelines sa Kamara upang aksyonan ang impeachment.
Bukod pa aniya diyan ang inilabas na ruling ng Korte Suprema matapos ang unang impeachment complaint noong 2025.
Binigyang-katwiran din ni Flores ang batikos sa kanila partikular ng mga tagasuporta ni VP Sara na unahin nilang bigyan pansin ang problema kumpara sa impeachment.
Aniya, 300 mahigit ang kasapi ng Kamara at 54 lamang sila sa Committee on Justice, at once a week din lang ang hearing.
Inamin pa ni Flores na mahirap sa kanya bilang Mindanaoan ang sumuporta sa impeachment, subalit kailangan niya itong gawin dahil ito ay isang constitutional duty.
