![]()
Dapat sundin ang terms of reference ng original memorandum of understanding (MOU) na nilagdaan noong Duterte administration.
Pahayag ito ni retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, kaugnay ng posibleng joint exploration ng oil and gas sa West Philippine Sea ng Pilipinas at China.
Ayon kay Carpio, sa orihinal na MOU, nakasaad na dapat mag-participate ang China sa ilalim ng service contract system ng Pilipinas, na ang ibig sabihin ay manggagaling ang oil at gas sa Manila.
Alinsunod din dapat sa batas ng Pilipinas ang kontrata.
2022 nang i-terminate ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikipag-usap sa China hinggil sa exploration ng oil and gas sa South China Sea.
Muli itong binuksan ng Marcos administration, at binigyang-diin ng Department of Foreign Affairs na kinikilala ng dalawang bansa ang “current global uncertainties” lalo na ang mga kaganapan sa Middle East.
