dzme1530.ph

PAGTATAYO NG PETROLEUM RESERVE, SUPORTADO NG ISANG KONGRESISTA

Loading

Suportado ni Ways and Means Panel Chairman at Marikina City Rep. Miro Quimbo ang pagkakaroon ng petroleum reserve bilang polisiya at alternatibong energy source.

 

Wake-up call kay Quimbo ang nangyayari ngayon sa Middle East kung saan apektado ang bansa sanhi ng pagiging heavily reliant ng Pilipinas sa imported petroleum products.

 

Ilan sa mga inihahaing panukala ay pag-develop ng alternative energy sources, gaya ng geothermal at natural gas na kapwa matatagpuan sa bansa.

 

Gayundin ang pagkakaroon ng national fuel reserve para nakahanda ang bansa sa future oil crisis.

 

Mahalaga ayon kay Quimbo na may sariling imbak na petrolyo ang gobyerno para sa siguradong supply lalo na sa oras ng emergency.

 

Nitong Linggo, pinulong ni House Speaker Faustino Bojie Dy III ang chairperson ng labing tatlong (13) standing committee sa Kamara para bumalangkas ng unified at resilient gov’t response sa nangyayaring oil price crisis at sa mga susunod na pangyayari.

About The Author